ELIGIBLE FILIPINOS PUWEDE NANG BUMIYAHE SA CANADA KAHIT WALANG VISA

Makakabiyahe na ang eligible Filipino travelers patungong Canada kahit walang visa.

Kabilang kasi ang Pilipinas sa mga bansang isinailalim sa Electronic Travel Authorization (eTA) program nito.

Ayon kay Canadian Foreign Minister Mélanie Joly sa pahayag na inilabas ng Embassy of Canada noong June 7, 2023, ang Canada ay destination of choice ng maraming tao sa buong mundo.

Pinagaan umano ang pagpasok sa Canada ng mga gustong mamasyal, bumisita sa mga kapamilya at kaibigan, maging ang mga gustong mag-aral o magnegosyo.

Read also: BSP naglabas ng kauna-unahang colored commemorative coin set

Read also: Finally, DOH may kalihim na; Gibo Teodoro balik-DND

"Expanding the eTA program to include countries like the Philippines is also an important part of our Indo-Pacific Strategy, as we look to further engage in the region, build on people-to-people ties, and make travel to Canada easier, faster, and safer for everyone," ayon pa kay Joly.

Sinabi naman ng Canadian Embassy sa Maynila na "effective immediately" ang program, at sakop nito ang Philippine passport holders na may hawak na Canadian visitor’s visa sa nakalipas na 10 taon o kaya ay valid United States non-immigrant visa.

Ang mga Pilipino na eligible mag-travel ay kailangan lang mag-apply para sa eTA sa halip na visa.

Ang eTA application sa pamamagitan ng Canada.ca/etA ay ginagamit ng Canadian officials para magsagawa ng light-touch and pre-travel screening para sa mga air travellers.

Ang fee ay nagkakahalaga ng 7 Canadian dollars o PHP300.

Read also: "Smiling lessons" inio-offer para sa mga nakalimutan na ang pagngiti dahil sa facemask

Read also: Mystery solved: President Sergio Osmeña's biological father identified via DNA testing

Ayon pa sa Canadian Embassy, karamihan sa eTA applications ay awtomatikong ia-aproved sa loob lang ng ilang minuto.

Para sa mga mayroong valid visa, patuloy nila itong magagamit sa pagbiyahe papuntang Canada.

Ang mga hindi eligible para sa eTA ay ang mga magbibiyahe patungong Canada sa pamamagitan ng land and sea travels. Kailangan pa rin nila ng visitor visa.

Ang desisyon ng Canada ay nagko-complement sa existing mobility measures nito para sa Pilipinas, kabilang ang pagiging miyembro ng ating bansa sa Transit Without Visa program nito, kung saan pinapayagan ang mga eligible Filipino nationals na makabiyahe sa Canada papunta o palabas ng U.S. nang walang Canadian visa, gayundin ang Student Direct Stream, na nag-o-offer ng pinabilis na pagpoproseso ng study permit para sa mga nais mag-aral sa Canada.

Itinuring naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang inclusion ng Pilipinas bilang isang milestone sa patuloy na gumagandang ugnayan ng dalawang bansa.

Patunay rin ito na lumalaki ang tiwala ng Canada sa Pilipinas.

Read also: Google ide-delete ang Gmail accounts na 2 years nang inactive

Read also: Japan: where to go and what to do

"The Philippines considers Canada as a close partner due to its well-established people-to-people ties, and looks forward to charting a new era of engagement under this new policy," ayon kay Manalo.

Ang Pilipinas ay isa sa 13 bansa na napabilang sa eTA kasama ng Antigua and Barbuda, Argentina, Costa Rica, Morocco, Panama, St. Kitts and Nevis, St. Lucia, St. Vincent and the Grenadines, Seychelles, Thailand, Trinidad and Tobago, at Uruguay.

Sa nakalipas na 10 taon, nasa 466,936 Pilipino na ang nabigyan ng Canada ng temporary resident visas.

Read also: Gobyerno naglunsad ng libreng diyaryo, The Philippine Gazette

2023-06-08T04:10:56Z dg43tfdfdgfd